PUNA. Isang salita na kapag hindi nagustuhan ng taong iyong pinatutungkulan, tiyak na ikakagalit nila. Ang pagpuna sa mga site na aking napili ay isang paraan lamang para mas maisaayos sana ang kanllang mga gawa. Hindi rin naman ito bulag sa kalakasang mayroon ang bawat site. Ang pagpupunang ito ay ginawa; Abril 14, 2010, umaga, kaya naman hindi ko alam kung iyon na ba ang huling site revision ng aking mga pinuna. Ito ay sa aking paningin lamang sana makatulong kung mababasa man ng mga pinuna ko. 

Una- Indulge

Masarap kumain lalo na kapag gutom ka at siguradong mas lalo ka pang gaganahan kapag nakita mo ang website na ito na nagtatampok ngiba't ibang uri ng pagkain. Maganda ang napiling food blog at sigurado namang magkakainteres talaga ang mga tao. Ngunit sa kabilang banda, may posibilidad na hindi masustain ang interes dahil kulang pa sa features ang site. Mas maganda rin sana kung linagyan ng caption ang bawat larawan na mas makatutulong sa mga pupunta sa site. Sa kabuuan kulang pa talaga ang feature ngunit maganda ang napiling topic. 
LINK: http://saraaap.weebly.com

Pangalawa- Exception

Isang kakaibang paraan ang website na itong exception para kuhanin ang atensyon ng mga mambabasa. Maganda ang gustong ipahayag sa mga blog entry ngunitkulang lamang siguro ang mga ito para mas ganahang basahin at puntahan ng mga tao. Maaari pa namang magdagdag ng mga bagong feature tulad ng mga surveys at mga laro. Kulang pa siguro ang pagkuha ng atensyon ng mga mambabasa ngunit maganda naman ang kagustuhang ibahagi ang kanyang pagtingin lalo na sa buhay. Mas magiging maayos din sana kung papalitana ang pangalan ng site.
LINK: http://kishmanaog.weebly.com

Pangatlo- A photo a day

Hindi maikakailang maganda ang mga larawang kuha ni Vince Dizon sa kanyang site. Ngunit kulang lamang sa paglalagay ng iba pang features. Dagdag pa rito dagdagan pa rin sana ang paliwanag kung tungkol saan ang site na ito para malaman ng mga pupunta rito kung para saan ito. Hindi namna maipapaliwanag ng retratong nakalagay sa unang pahina ng site ang objective ng site na ito. Dagdag pa rito wala pa akong nakitang mga blog entry. Kung aayusin mas magiging maganda ang site na ito.
LINK: http://aphotoaday2010.weebly.com

Pang-apat- Smells like ramen

Nakakagutom naman ang site ito. Maganda ang mga kuha at nakakaentice ang mga larawan. Ngunit kulang pa sa detalye ang unang pahina ng site. Dapat sana wala muna ang parang survey form rito. Dapat sana tatalakayin muna nito ang objective at tungkol saan ang site na ito. Makatutulong rin sana kung organisado ang site na ito. Sa kabuuan naman maganda ang gustong ipahiwatig sa mga mambabasa ng site na ito. 
LINK: http://smellslikeramen.weebly.com

Panglima- Music is my life

Nakakatuwa ang mga kantang nakalagay sa site na ito. Siguradong pakikinggan ng mga magbabasa dahil makakarelate sila sa gustong iparating ng may-ari ng site. Kulang pa sa iba pang features at ang unang pahina hindi pa ganoon na naaayos. Dagdag pa rito mas magiging maganda kung angkop sa tema ng site ang pangalan nito. Maganda ang gustong iparating kailangan lamang ng pag-aayos ng mga nilalaman ng site. 
LINK: http://hershey-happiness.weebly.com