Maging inspirasyon sana ang mga blog entries sa site na ito para bisitahin ninyo ang rehiyon ng Bikol. Nakapaloob dito ang mga saloobin ko sa lugar na mahal na mahal ko. Isama pa rito ang mga kuha kong larawan sa mga ginawa kong pagbabakasyon sa Bikol. Isa itong pagbabahagi kung bakit hindi ko kayang kalimutan ang lugar na aking pinagmulan at kinalakihan. 
BIKOLANA AKO! URAGON!


Day 1- Babalik ka rin

Walang makakapigil sa kagustuhan kong makauwi sa Bikol, sana lang! Ngunit hindi na ako umaasa, hanggat hindi kasi ako nakakaalis ng Maynila, walang kasiguraduhan ang aking pag-uwi. Maraming dahilan kung bakit hindi ako natutuloy ngunit isa ang palaging nangyayari, ayaw ng magulang ko, lalo na si Papa na umuwi ako.

Sa loob ng walong taong paninirahan sa Manila, mabibilang lang sa mga kamay ko kung ilang beses ako nakauwi sa Bikol. Sa mga pag-uwi pang ito hindi ako gaanong tumatagal sa pagbabkasyon. Kaya naman lubos ko talagang namimimiss ang Bikol. Iba pa rin talaga kung saan ka lumaki at nagkaisip, babalik at babalik ka rin. 

Sana ganoon lamang kabilis ang pagbalik, inaabot kasi ng 8 oras ang biyahe papunta ng Buhi. Isa itong maliit na bayan sa Camarines Sur at kilala ito dahil dito matatagpuan ang “smallest edible fish” ang sinarapan. Hindi ko nakakalimutan ang bayang ito dahil sa mahahalagang yugto sa buhay ko na dito nangyari. Sa dami siguro hindi sapat ang mga salita para ipaliwanag at isalaysay ko ito.

Kung pinagbabawalan man ako ng aking magulang sa pag-uwi at sinusunod ko sila, mas gugustuhin ko pa rin sana kung may sarli lang akong desisyon. Gusto kong umuwi at bumalik parati sa lugar kung saan nararamdaman ko ang kapayapaan, malayo sa Maynila, malayo sa mga magpapaalala sa akin na marami akong gagawin. Gusto ko lang naman kasi na makapagpahinga at maramdamang hindi ako pagod. At sa Bikol ko lamang ito mararamdaman. 

Picture
DAPIT HAPON: Kuha ko ito noong umuwi ako para sa aking music video project. Hapon na noon at nagaagawan ang liwanag at dilim sa kalangitan. Ito ang Lake Buhi at ang light house na gumagabay sa mga naglalakbay rito.

Day 2- Buhi is LOVE!

Ngayong araw, kaarawan ng aking unang kasintahan. Bukod sa araw na ito na ispesyal sa kanya na aking naalala, sumabay din dito ang mga lugar na naging ispesyal sa akin noong kami pa.  nakakatuwa lamang dahil muntikan ko pang makalimutan ang araw na ito na kaarawan niya pero ýung mg lugar naalala ko.

Isa ang Naga sa pinakaespesyal na lugar para sa amin. Isa itong sentro ng kalakalan sa Bikol. Noong bata pa ako wala pa’ng mga mall sa lungsod na ito ngunit noong pagbalik k okay dami nga. Nagkita nga kami noon ng kasintahan ko sa pinakaunang mall, ang LCC, kasunod ang SM, at ang iba hindi ko na maalala. Pumunta rin kami sa Plaza sa Naga angd aming tao roon hindi ko alam kung saan mga nanggaling. Mayroon lang sigurong concert noon kaya naroon sila. Pero ang pinakaispesyal siguro ay ýung Terminal sa Naga.

Sa terminal na ito kadalasang nagiging sentro o puntahan ng lahat ng mga sakayan sa Bikol. Dito kadalasang nagkikita-kita ang mga tao mula sa iba;t ibang lugar sa Bikol, at dito kami palaging huling nagkikita kapag umuuwi na ako. Kadalasang patago ngunit wala kaming magagawa, ganoon talaga.

Isang araw na maraming lugar ang aking naalala. Natutuwa naman ako dahil marami akong naalala ngayong araw na ito pero sana lang makauwi ako para hindi lang ako nag-iimagine ng mga lugar.   

Picture
LAKE BUHIi: Ito ang itsura ng Lake Buhi sa Umaga. Makikita rito ang mga bangkang de motor papunta sa mga barangay sa kabilang ibayo. sa larawang din ito ang Bulkan ng Isarog sa may bandang Iriga.

Day 3- Pagod: Gustong magpahinga

Bagong buhay para sa’kin dahil kagabi lang hinirang akong bagong Associate Editor o Pangalawang Patnugot ng Ang Pahayagang Plaridel. Ngayong Biyernes pa lamang marami na akong inasikaso para sa mga susunod na hakbang namin sa pagbuo ng Lupong Patnugutan. Isama pa rito ang pagkakaroon ng casting call para sa isang proyekto sa Knowledge Channel. Nagkaroon pa ng Amazing Race para sa isang asignatura. Ang dami talaga at nakakapagod talaga ang araw na ito! Gusto ko nang magbakasyon!

            Saan pa ba ako magbabakasyon kung hindi sa Bikol, sa Buhi. Pero ang plano ko talaga makapunta sa Caramoan! Ang dami ko ng naririnig na maganda ang mga beach sa bahaging ito ng Bikol. Proud ako dahil napansin ito ng ibang mga lahi dahil dito ginanap ang Survivor France. Ayos naman sana ito pero sana huwag lang maging daan para maexploit ang lugar na ito tulad ng ibang isla sa bansa. Ito kasi ang lugar na pwede talaga tayong makapagpahinga. Gusto ko lang siguro na hindi naman ito maging lugar na maingay tulad ng mangyayari sa Boracay.

            Dito ko siguro mararamdaman ang literal na katahimikan kung saan tunog lamang na galing sa dagat ang aking naririnig. Dito siguro ako makakapagpahinga ng matagal. Sana lang, sana lang, makauwi ako. 

Picture
ARAW: Kuhang-kuha ng lente ng aking kamera ang repleksyon ng ilaw. Nakasakay ako noon sa kotse at naglilibot kami sa Naga City, isang pangunahing lungsod sa Bikol.

Day 4- Kailan kaya ako makakauwi?

Ngayong araw, inilaan ko ang buong oras ko para sa panayam sa mga susunod na makakasama ko sa Lupong Patnugutan ng Ang Pahayagang Plaridel. Mula alas-8 hanggang ika-10 ng gabi walang humpay na panayam ang ginawa ko at ng aking mga kapwa manunulat sa Pahayagan. Nakakapagod, nakakaburn-out, gusto ko ng umuwi hindi sa bahay naming, kung hindi saan pa, sa Bikol ulit. ‘                        Hindi dahil sa Blog na ito kung bakit gustong-gusto ko ng umuwi, ito ay dahil na rin talaga sa ibang pakiramdam na naibibigay sa akin pag naroon ako. Hindi ko inaalintana ang mga gagawin para sa susunod na araw dahil nag-eenjoy lang ako sa magandang kapaliran doon. Paulit-ulit man ang nakikita ko simula noong bata pa ako, hindi ako nagsasawa. Dahil ang mahalaga, nakakasama ko ang mga taong nakapagpapasaya sa akin. Marami namang nagpapasaya sa akins a Maynila ngunit iba kasi kapag minsan mo lamang nakakasama, iba kapag sila ang kinagisnan mo noong bata ka pa. Ibang-iba ang iyong pinagmulan dahil mahal na mahal mo ito ng lubusan. 


Kaya sa araw na ito na pagod na pagod ako sa dami ng aking ginagawa, hidning hinbdi naaalis sa isip ko na makauwi man lang akos a Buhi. Para makapagpahinga at maging relax naman sa aking buhay. 

Picture
PAGSILIP NG ARAW: Unang araw ko noon sa Bikol, para sa aking MTV project. Iba talaga ang pakiramdam na nasa kinalakihang lugar ka. Sa pagsikat ng araw may mga bagong pag-asa kang nakikita.

Day 5- Sana lang, naroon din ako

Ikinukumpara ko ang Batangas sa Bikol ngunit nahihirapan ako kung paano ko ito gagawin. Paano nga ba napunta sa Batangas ang usapan? Dahil ito sa paghahanap ko ng lugar para sa Teambuilding ng Ang Pahayagang Plaride. Kailangan kong makahanap ng beach kung saan kami makakapagdaos ng iba’t ibang aktibidad. ‘Di ko alam kung paano ko ito ikukumpara dahil nakakalungkot na kaunti pa lamang sa bahagi ng Bikol ang napupuntahan ko.

Gustong-gusto ko naman talagang iexplore ang Bikol pero sa ngayon hindi pa ako nabibigyan ng pagkakataon. Problema rin kasi ang oras at panahon lalo na para sa akin sa kasalukuyan dahil napakarami kong ginagawa. Sana lang talaga kung mabibigyan ako ng pagkakataon talaga, pagkatapos ng aking kolehiyo, lilibutin ko ang Bikol, ieexplore ko ito ng mabuti.

Sa pagkakataong ito isasama ko rin ang mga kaibigan ko para hindi lamang ako ang makaranas pati na rin sila. maibabahagi ko na kung ano talaga ang gandang taglay ng Bikol!

Picture
DAYUHAN: Kuh ko ito sa Camarines Sur Watersports Complex na talaga namang dinadayo ng mga dayuhan. Kakaiba kasing adventure ang watersports dito.

Day 6- Naudlot na plano

Malungkot ako ngayong araw na ito. Medyo matagal ko na rin kasing naisipan na umuwi sa Bikol para sa Holyweek na darating. Marami na rin akong planong gagawin sa aking pag-uwi ngunit hidni namanpala ako makakauwi. Nakakainis lang, sabi ko na eh, hindi ako makkauwi. Angda mi kasing pumipigil sa akin, hindi lamang ang aking mga magulang, pati na rin ang iba’t ibang Gawain na dapat kong gampanan. Sana lang natuloy na lamang ako. Mapupuntahan ko na sana ang beach na gusto kong puntahan ngunit hindi natuloy.

Isa sa pumipigil din sa akin ang mga dapar kong gawin para sa Ang Pahayagang Plaridel. Magkakaroon kasi kami ng ocular inspection sa Batangas. Ito ay sa araw ng Miyerkules kung saan makakaalis n asana ako papuntang Bikol. Ngunit ang mga plano ay nanatiling plano hindi natupad, parang pangakong napapako.

Nakakalungkot talaga pero wala akong magagawa, sabi ko nga sa mga nauna kong blog, hindi ko pa hawak ang desisyon sa ilang parte ng aking buhay, laging may pumipigil, laging mayroong ayaw. Sana lamang, wala na lang. 

Picture
BUHAY PROBINSIYA: Isang mukha ng pagiging probinsiyana, kung saan mararanasan mong mag 'wag-wag' o kumuha ng mga tirang palay pagkatapos umani. Naalala ko tuloy ang aking pagkabata, simple ngunit masaya.

Day 7- Malungkot na umaga

Hindi ko pa rin matanggap na hindi ako makakauwi. Hindi ko pa rin gustong mag Holy Week sa Maynila. Gusto kong umuwi, gusto kong umuwi pero hindi talaga pwede at hindi ko ito magagawa. Kahit anong pilit ko sa Mama ko, mukhang walang pag-asa kaya naman ikinain ko nalang. Ngunit sa pagkaing ito naalala ko rin ang mga putahing Bikol.

Maipagmamalaki talaga ng mga uragon ang “Tinuto” o mas kilala bilang laing. Ito ang gabi na linagyan ng gata at karne, at maraming spices. Tiyak na maeenjoy ito ng makakatikim nito lalo na kapag mainit ang kanin. Malinamnam din ito kapag maanghang na maanghang tiyak na hindi mo titigilan. Hahy.. Kung nakauwi ako tataba ako at amdami pa akong makakain.

Paborito ko rin doon ang kakaibang pansit namin na tinatawag na pansit bato. Mas maliit ito sa pancit canton na alam natin. Simple lamang ang mga sahog nito at hindi magastos. Dinadaan lamang talaga sa tamang pagtimpla at kapag hinaluan mo ng sili tiyak na sakto sa sarap na hinding hindi mo titigilan. Naalala ko tuloy noong elementary ako, pagkatapos ng klase doon kami nagmemeryenda ni Kuya bago umuwi. Ito ang nakasanayang kong buhay, simple pero masaya!

Sa paglipat ko sa Maynila, ang dami talagang nabago. Masaya naman ako sa mag pagababago ngunit nakakalungkot lamang na ang nakaraang gusto kong balikan, hindi ko ganoon kadaling napupuntahan. Gusto ko pa rin talagang makauwi! Gusto ko pa rin!

Picture
TUBIG LALO: Ito ang Lalo, isang ilog na kinalakihan ko sa Buhi. delikado dito noong bata pa ako. Syempre malalim ngunit ngayong matanda na ako hindi na. Libre lamang ang tubig dito walang metro.

Day 8- Batangas Beaches

Occular inspection para sa Teambuilding ng Ang Pahayagang Plaridel at sa Batangas kami napadpad. Una kaming pumunta sa Anilao sa pag-asang makakita ng mura ngunit magandang mga beach. Diving spot pala ang Anilao, makitid ang mga baybayin. Nasayangan ako sa mahigit na 4 na oras na biyahe dahil hindi naman ito ang luagr na hinahanap naming. Kaya naman buniyahe na kami papuntang Nasugbu sa pag-asang makakita pa ng ibang beach. May nagustuhan naman kami pero nagdalawang isip lamang ako dahil hindi ganoon kalawak.

Naisip ko lang na kung hindi lang walong oras ang biyahe papuntang Bikol, doon na lamang sana kami pumunta. Ngunit hindi naman ganoon kadali lamang nba pumunta doon. Sa walong oras kasi malamang sa hindi mababagot lamang ang mga tao. Sa tingin ko naman makakahanap naman kami ng beach na malapit sa Maynila. Sana lamang kasing ganda at mura ng mayroon sa Bikol.

Alam ko kasi mura lamang doon pero maganda pa! Kaya naman kung bibigyan ng pagkakataon mas pipiliin kong doon na lamang mag teambuilding. 

Picture
SA GITNA NG ULAN: Kasagsagan ng ulan pagkatapos ng bagyong Ondoy. Nasa Buhi kami noon at isang bangka ang pumukaw ng aking atensyon. Ito ang isa sa pagkakakilanlan ng Buhi, mga bangkang de motor.

Day 9- Summer Love

Mahalaga ang Abril 1 para sa’kin, ito ang simula ng aking pagpasok sa Masaya ngunit magulong mundo ng pakikipagrelasyon. Natutuwa ako sa tuiwng naaalala ko ang petsang ito at dalawang taon na rin noong pinasok ko ito. Sa Buhi ko sinagot ang una kong kasintahan, kung ano man ang kwento roon hindi na mahalaga iyon, ang mahalaga ngayon ang lugar na aking kinalakihan at ang kabuuan nito na naging saksi sa mga mahahalagang yugto ng aking buhay.

Hindi ko naman inaasahang magiging saksi ito dahil iba’t ibang pangyayari ang nagtulak sa akins mga desisyong iyon. Kaya sa tuwing nakikita ko namana ng mga lugar na mahahalaga talaga sa akin natatawa na lamang ako. Kakaiba talaga ang lugar ng Bikol. Kakaiba lalo na sa mga kwento sa likod ng bawat lugar na tunay na naging mahalaga sa akin.

Tapos na ang pag-ibig ko noong tag-arawn ngunit hindi ang mga alaalang hindi naman ganoon kabilis ibaon sa limot. Naroon at naroon ang mga ito dahil naging parte sila ng aking buhay. 

Picture
SIMPLENG BUHAY: Tahimik at masaya, ito ang buhay na mayroon ang mga taga-Bikol. Inaasam ko na banag araw mabuhay ulit ako rito, sana sa aking pagtanda.

Day 10- Init to the maximum level!

Sa araw na ito pinakanaramdaman ko ang init ng panahon! Grabe dahil nasanay ako sa skwelahan na may aircon at laging nasa classroom at opisina ng Ang Pahayagang Plaridel. Ngayon, tumnatagaktak ang pawis ko, ayaw pa naman ipagamit ni Mama ang aircon dahil magdamag na daw itong nagamit kaya’t nagtiis muna kamis a electric fan. Kung sa Bikol lamang sana akoi hindi naman ganoon kainit dahil maraming puno at iba talaga roon ang panahon mas presko kahit mainit.

Marami kasing puno na nakapaligid sa Bikol, nakakatulong ito para maging presko ang paligid kahit mainit na mainit. Naalala ko tuloy noong bata pa ako inaakyat ko ang mgta puno at pumupunta kami sa mga lugar na paliguan para hindi mainda ang init ng panahon. Bawal ko itong gawin kaya pagdating sa bahay, lagot naman ako dahil napapalo talaga ako ng aking nanay. Makulit na bata kasi ako kaya naman hindi pwedeng maglalaro dahil baka mapahamak pa ako.

Ngunit sa lahat ng pagpapasaway na ginawa ko noong nasa Bikol ako, naaalala ko talaga na hinahabol ako noon ng nanay ko ng palu-palo habang tirik na tirk ang raw sa tanghali. Ang init noon ay kasing init ng temperature ngayon. 

Picture
KALESA: Hindi ko inasahan na may kalesa pala sa Naga. Akala ko wala nito rito kaya naman nag-enjoy ako noong linibot namin ang ilang lugar rito.

Day 11- Boring day!

Sangay beaches- noong nakaraang Mayo bago magpasukan, pumunta kami sa Sangay, dito matatagpuna ang maraming beaches sa Bikol. Nakakatuwa dahil first time ko ito sa buhay ko na makapunta sa beach sa Bikol ngayong malaki na ako. Hindi kasi ako palabakasyon na tao dahil hindi naman kami pinalaki ng m,ga magulang naming na magbakasyon kung kailan namin gugustuhin. Isang napakagandang pangyayari iyon sa aking buhay dahil dito ko lamang talaga naramdaman na ”Salamat sa buhay na mayroon ako ngayon, malayo sa Maynila, malayo sa mga magpapaalala sa akin an estudyante ako”.

Nakapagpahinga ako roon dahil wala akong ginagawa kung hindi maligo at kumain. Ngunit dalawang araw lang naman ang itinagal ng pamamasyal na iyon. Kasama ko noon si ate, ang kanyang kasintahan at ang kapatid ng kanyang kasintahan. Nakakatuwa lamang talaga dahil minsan lang iyon mangyari at hindi ko inasahang mangyayari iyon. Sana lamang talaga mas matagal na nangyari iyon at sana may nakasama ako sa pagbakasyong iyon.

Biyernes- ito ang mga alaalang sumagi sa aking isipan. Nagnanais pa rin kasi akong umuwi at wala akong ibang gustong gawin kung hindi magbeach! Wala ngpag-asa dahil Linggo na bukas, isang araw na lamang back to reality na ang drama ko. 

Picture
SANGAY BEACH: Ito ang kuha ng isang Isla sa malayo. Ibang-iba talaga ang dagat sa Bikol

Day 12- Maling akala

Akala ko naman makakagawa na ako ng mga requirements para sa mga hindi ko nagawa noong mga panahong walang klase. Siguro wala akong nagawa dahil pagod na talaga siguro ako. Isinet ko man ang aking utak na makakagawa ako sa araw ng Linggo, ngunit wala pa rin talaga. Ayaw ko namang magpakabum, pero ganoon talaga naghahibernate lamang siguro ako. Ganito rin talaga ako kapag may mga gusto ako na hindi ko nagagawa. Naroon pa rin ako sa pagnanais na makauwi pero hindi talaga pwede.

Itinigil ko na kasi ang pamimilit na makauwi ako sa Bikol noong una pa lamang dahil alam kong wala naman talagang mangyayari. Ngunit hindi ko lamang talaga gusto na pinipigilan ako sa mga desisyon na dapat na ako na ang gumagawa. Sana lamang hindi kontrolado ang mga galaw ko sana mas nabibigyan ako ng pagkakataong makapaglakad sa kaing sariling mga paa at makapaglakbay sa landas na gusto kong tahakin. Gusto kong ako naman ang masunod sa paglalakbay ko dahil wala naman akong gagawin na ikapapahamal ko. Sana kung ýun man ang nasa isip ng aking magulang huwag na sana nilang isipin ýun. 

Picture
DAAN: Bata pa ako ganito na ang daan sa Parada, ang barangay na aking kinalakihan. Ilang eleksyon pa kaya ang dadaan bago ito mabigyan ng pansin at maayos.

Day 13- Patungo sa mapalinlang na resort

Sa araw na ito, wala na akong pasok sa hapon, kaya naman napagpasyahan ko na gamitin ang oras na ito sa paghahanap ng magandang resort para sa Teambuilding. May nakapagbigay sa akin ng isang website at nagandahan naman ako sa resort. Ngunit para naman makumpirma kung magnda ba talaga ang resort na ito pinuntahan ko ito, Ang sinasabi kong resort ay ang Villa Excellance sa Cavite. Napakaganda talaga sa Website nila, kaya nagexpect talaga ako ng malaki sa lugar na ito.

Mahigit sa 3 oras na ang biyahe namin ay pagkakita ko pa lamang sa dagt, naexcite na ako dahilkulay blue ito sa malayo. PAgbaba ko naman patuloy ang aking kasiyahan dahil napansin ko salabas na malawak ang resort. Ngunit noong papasok na ako at nakilala ko na ang tunay na resort na ito, hindi ako makapaniwala na ganoon na siya. ramdam koa na napabayaan na ang lugar na ito, ang mga facilities, marurumi. Nakakalungkot lamang talaga dahil nasayang lamang ang biyahe namin.

Naisip ko lang na paano kung umuwi na lang ako ng Bikol sa mga oras an sinayang ko sa pagbabiyahe, hindi sana naging ganito at mas naging masaya pa ako. Sana sa Bikol na lamang.  

Picture
PONGOL SPRING: Ito ang isang napakalinis na spring na kinalakihan ko. Mas maganda siya noon kaysa ngayon. Ngunit gayunpaman masayang alalahanin dito ang mga alaala ng aking kahapin lalo pa noong bata pa ako. NApakasayang maligi rito dahil malinis at napakalamig ng tubig.

Day 14- He saved my day!

Akala ko na magiging madugo ang araw na ito para sa kin. May concept Thesis Proposal defense kasi kami at hindi ako ganoon kahanda para rito. Marami talaga kasi akong inasikaso para sa iba’t ibang bagay na pinagkakaabalahan ko. Mahalaga naman din ang mga iyon at mahalaga namana ng concept, hindi lamang talaga nabigyan ng pagkakataong gawin ko ng maayos ang aking concept. Ang akala kong madugong araw hindi naman pala.Maudlot ang thesis proposal defense dahil nagkasakit si sir Elvin. Nakakalungkot man pero masaya pa rin ako dahil may panahon pa para paghandaan ko ang defense.

Ngunit ang pinakanagpasaya talaga sa akin ay ang posibilidad na maaari akong makauwi sa Bikol sa mga darating na araw. Ito na naman ako umaasa na naman. At kapag talaga hindi pa natuloy ang trip na ‘to, hindi na ako papayag! Sa arw ding ito hindi ako nakatulog, hindi naman dahil sa masyado akong excited, marami lamang talaga akong ginawa!

Picture
GARDEN: Ecology village sa Naga City. Isang napakagandang luagr lalo na sa mga young at heart.

Day 15- Ang gusto ko....

Hindi ako natulog kagabi! Ang dami kong inihanda para sa Section Editors and Managers Announcement sa APP. At kahit pa marami akong ginagawa, gusto ko pa rin talagang umuwi ngayon ng Bikol. Gusto ko lang namang pumunta roon sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan at kung napuntahan ko man bata pa ako. Hay buhay! Nakakapagod at nakakabagot kaya ang solusyon para dito isang engrandeng bakasyon!

Plano kong libuyin nag buong Pilipinas bago muna ako magliliwaliw sa ibang bansa. At syempre una ko munang pupuntahan ang Bikol! Bias na kung bias pero gusto ko munang talagang mas makilala pa ang angking ganda ng Bikol.

Sa kasalukuyan napuntahan ko pa lamang ang Sanagy Beaches, Bulkang Mayon, Camarines Sur Water Sports Complex, Tiwi Beach, at ýung iba di ko na maalala. Ang kaunti ‘di ba?  Kaya naman sinisikap ko talagang madagdagan pa iyon! Sana!

Picture
MAGUINDARA: Isa itong magandang lugar sa Buhi. Tahimik at mahangin tiyak na pupuntahan mo kung gusto mong mapag-isa.

Day 16- Ang daming requirements

Tuwing Huwebes, wala akong pasok, yehey! Pero imbes na makapagpahinga, wala naman akong ibang ginagawa kung hindi mga school requirements! Ang haba-haba ngayon ng mga listahan ng dapat kong gawin. Alam kong simulan pero hindi ko alam kung matatapos ko sa oras. May inaasikaso pa kasi ako sa Ang Pahayagang Plaridel. Hindi ko naman kayang pabayaan ang mga iyon. Bukas imbes na mag-edit ako ng video buong araw, dapat kong ayusin ang occular inspection namin sa Zambales. Nakakatakot na limang oras ang biyahe dahil hindi ko naman ito alam. Basta lang kami pupunta roon dahil kailangan na talaga.

Kaya naman hindi ko rin maiaalis sa sarili ko ang mapagod talaga ng husto. Grabe kasi ang demand ng aking mga ginagawa at pinagsasabay-sabay ko talaga ang lahat sa dami ng aking gustong gawin. Goal ko lang talaga ngayong bakasyon makauwi rin sana ng Bikol! At ayon, magbakasyon para makapagrelax at unwind. Kahit man sana sa unting oras dahil hindi naman pwede ng buong buwan, dahil may iba pa akong commitments!

Sana matapos na rin talaga ang mga dapat kong gawin para makaalis na ako sa Maynila at fly na sa Bikol!

Picture
TIPIKAL: Ito ang karaniwang itsura ng lighthouse sa Buhi. Ngunit kadalasan hindi naman nagagamit dahil walang bantay. dati mas mataas pa iyan ngunit noong tinabunan at ipinataas ang lugar lumiit ito.

Day 17- Zambales trip!

Walong oras na inabot ang dapat sanaý lima lamang. Nakakapagod at nakakainis, lima lang hindi ba, pero inabot ng walo. Sana umuwi na lamang ako ng Bikol. Hindi ko naman masisisi ang driver dahil 2 oras pala kami natraffic sa Pampanga dahil sa pagbisita ni PGMA. Dagdag pa rito ang walang humpay na paghahakot ng pasahero ng bus. Akala ko pa naman isang beses lamang nagsasakay ang mga busses, ang dami-dami kasi naming hinintuan. Nakakainis pa dahil pinagsiksik ang mag tao roon. Nakakagulat dahil hindi naman dapat ganito eh. Pero baka dahil nasanay lamang ako sa biyaheng Bikol.

Kapag kasi umuuwi ako, hindi na nagsasakay pa ng iba ang bus. Tuloy-tuloy ang biyahe pwera an laamng kung kakain ang mga pasahero. Sa biyahe rin papuntang Bikol, hindi mo mapapansing bumabi yahe ka pala. O hindi kaya sanay lamang ako na bumiyahe rito. Hahyy. Wala talaga akong ibang maisip habang nagbabiyahe kung hindi ang pumunta sa Bikol. Dahil nakakainip talaga!

Hindi naman sa nasayang ang 8 oras ko, hindi ko lamang inasahan na magiging ganoon ang biyahe ko. Buti na lamang talaga maayos at maganda na ang resort na napuntahan namin. Sulit naman ang pagod namin. 

Picture
LUTONG PROBINSIYA: Ito angkaraniwang paraan ng pagluluto lalo na kapag may Fiesta. Gumagamit lamang ng mga kahoy para makatipid sa Gas. Kumuha lka laman ng bato at pgdikut-dikutin mo, tiyak na makakaluto ka na. Iba rin kasi anglasa ng lutong galing sa kahoy.

Day 18- Nakakairita: Buti na lang!

Ngayon na lamang nga ako nanood ng TV, ang nakakainis pang show ang napanood ko. Pero tawa lang din naman ako ng tawa sa pang ookray ko lalo na sa mga hosts nito. Ang dami-dami na nila ngayon, walo na silang mag babae. Nakakaloka ang dami-dami nilang dead air, hindi pa ganoon karunong maghost ay isinalang na. pero baka kinakabahan lamang sila o ano. Pero ewan wala akong paki, buti na lamang naroon ang aking kababayan na si Maria Venus Raj, ang kasalukuyang Bb. Pilipinas-Universe na una nang tinanggalan ng korona.

Nainis ako sa ginawang ito ng Bb. Pilipinas Charity Incorporated dahil sa padalos-dalos na desisyong kanilang ginagawa. Nagmamadali yata sila para makapagdesisyon sa kanilang mga dapat ayusin sanag gawa. Hindi dahil sa Bikolana ako dahil pinagtatanggol ko si Venus, para lamang talaga sa’kin karapat-dapat kasi siya sa koronang kanyang napanalunan. Hindi naman biro din ang mga pinagdaanan niyang pagsusulit para mapaghandaan at makuha ang pinakamataas na titulong hawak niya.

Sana lamang wala ng maging gusot sa kanyang pagkapanalo! Alam kong kaya niyang itayo ang bandila ng Pilipinas sa mga internasyonal na kumpetisyon.   

Picture
NAWILI: Wiling-wili ang turistang ito sa pagkuha ng larawan. Kuha ko ito sa CWC, ang ganda ng katawan ni kuya.

Day 19- Matatapos kaya kami?

Medyo marami-rami pa ang mga eeedit naming video. Hindi ko alam kung matatapos ba ito o hindi pero sana naman matapos na! Gusto ko namang makapagpasa ng Final requirements na ito. Parusa pero ayon, dapat na maayos ko na kasi ang mga plano ko pagkatapos ng terminong ito. Sa dami ba naman ng ginagawa ko gusto ko talagang umuwi ng Bikol. Paulit-ulit ko mang topic ýan sa blog kong ito, ýun lamang talaga ang gusto kong gawin. Please lamang! I want this term to end! I want to rest lalo na sa mga beach! Lilibutin ko talaga ang Caramoan! Humanda ka sa’kin.

Sana naman sa araw na ito, kaunti na lamang ang maiiwang dapat tapusin para maayos ko na ang schedule at plano ko para ngayong bakasyon. Maikli lamang ang blog kong ito pero isa lang naman ang gusto kong sabihin, gusto ko ng umuwi! 

Picture
ROAD SIGN: Going to Bikol, kapag nakikita ko na ito alam kong mapalit nang matapos ang aking paglalakbay.

Day 20- Bikol's finest music

Sarong banggi, sa higdaan

Nakadangog ako

Nin huni nin sarong gamgam

 

Ilan ito sa mga linya ng awiting alam ko na noong bata pa ako, ibig sabihin lang naman ng kantang ito, isang gabi sa kanyang pagtulog, nakarinig siya ng tunog ng isang gamu-gamo. Naalala ko pa habang kinakanta ito sa akin ng lola ko. Iba kasi kapag lumaki ka na at naalala mo ang mga pinagdaanan mo noong bata ka pa, matutuwa ka talaga. Isa rin sa ipinagmamalaki ng Bikol ang mga magagaling nitong singer. Kaunti lamang ang alam ko pero alam kong magagaling talagang mang-aawit ang mga Bikolano. Ehem!

Sina Noel Cabangon at Imelda Papin, sila ang naaalala kong mga mang-aawit na taga bikol. Sikat sila at talaga namang magagaling. Sana lamang kasing galing din ako nila at sana sumikat din ako, nangarap.

Picture
HAPON: Tirik na tirik ang araw, mainit talaga sa Bikol ngunit nawawala naman ito dahil sa malamig na simoy ng hangin. BAlanse lamang ang kainitan kumpara sa Maynila.

Day 21- Last day: Nostalgic

Huling araw na ng pasok ko para sa terminong ito! yehey! Grabe natapos ko rin ang super bigat na terminong ito! Natapos din namin ang super hirap na mga gagawin! At sa buong termino ring ito marami akong napagdaanan na nasa isip ko ang Bikol. Nakakatuwa lamang talaga dahil ganito ako parati abwat termino gustong gusto kong umuwi ng Bikol pero hindi naman ako napapagbigyan. Isang beses lamang pero mabilis lamang talaga ang pangyayaring iyon.

Noong gumawa ako ng Music video para sa aking video production class, pinilit ko talagang makauwi dahil importante talaga. Buti na lamang at hindi na pumigil sila mama dahil kung hindi wala akong project. Masaya ako sa kinalabasa ng music video na iyon, marami-rami rin akong napuntahang lugar sa pagalalakbay kong iyon. Pero higit sa lahat naenjoy ko ang pag-alala sa aking kabataan.

Namumuhay lamang ako roon ng simple ngunit matiwasay. Naenjoy ko ang aking pagkabata roon dahil ramdam ko na malayo ako sa kapahamakan. Masaya ako sa tuwing natatapos ang araw ko kasama ang mga kaibigan ko naglalaro kami ng patintero at iba pang larong Pinoy. Nakakalungkot lamang na hindi na ito ginagawa ng mag bata roon ngayon. Hindi na sila gaanong close tulad ng mag katulad naming bata noon. Nakakatuwa dahil marming bakanteng lupa at espasyo na pwede naming paglaruan noon, pati rin naman ngayon, kaya nag-eenjoy ako araw-araw noon. Tumatakas pa nga ako kay Mama para makapaglaro. At paguwi ko tiyak na palo ang inaabot ko. Kasalanan ko lang din naman, kaya hindi ko naman iyon sineseryoso.

Pero isa siguro talaga sa pinakahighlight ng buhay ko ang pagiging probinsiyana ko na nadadala ko hanggang sa ngayon. Masama man o hindi gusto ko na ganito ako, nililingon ko ang aking pinanggalingan. Kung papipiliin nga talaga ako mas gusto kong tumira roon lalo na ‘pag tumanda ako.

Isa lamang ang gusto kong sabihin, iba talaga ang Bikol na aking kinalakihan, tahanan ito ng alaala ng aking makulay an pagkabata. 

Picture
AKSIDENTE: Ingat lamang palagi sa daan. Kuha ko ito noong nadaanan namin ang aksidente sa Naga.

Day 22- Pagtatapos: Isang magandang simulain

Madaling dumaan ang dalawpo’t dalawang araw, panghuling blog entry ko na  pala ito. Hahy... Time flies.. Habang binabasa ko ang mg previous blog entries ko, iisa lamang ang pinatutunguhan ng bawat entry. Ito ay ang makauwi ako sa pinakamamahal kong lugar na kinalakihan dahil dito ko lamang nararamdaman ang kapayapaan na gusto kong makamtam. Gusto ko rin kasing maexplore at madiskubre pa ang tunay na ganda ng Bikol. Dahil alam ko na hindi natatapos sa pagiging isang Bikolana ang pagiging Bikolana ko, dapat may gigawa ako para makilala ito hindi lamang ng mag dayuhan pati ng mga kapwa ko Pilipino.           

Kayak o ginamit ang wikang Filipino bilang opisyal na wika ng website na ito para maabot ko talaga ang mga Pilipino. Dahil higit sa mga dahuyang nageenjoy sa iba’t ibang magagandang lugar sa Bikol, gusto ko na mapuntahan talaga ito ng mga Pilipino. Ayokong maging dayuhan tayo sa sarili natin bayan at hindi kilala ang mga lugar na maipagmamalaki natin.

Matapos na sana ang mga panahong mas nauuna pang makilala ng ibang lahi ang ating bansa. Alam kong magastos ang bumiyahe at kakaunting porsyento lamang ng lipunan ang may kakayahang gawin ito pero hindi lang naman iyon ang paraan para makilala natin ang ating bansa at ang itinatagong ganda nito. Maging paraan sana ang website na ito para mas bigyan natin ng halaga ang pagkilala sa mga natatagong ganda ng bansa. Higit sa lahat, unahin natin ang pagkilala sa Bikol, ang No.1 tourist destination sa bansa!

Picture
SOUVENIR: Misan lamang ako magpakuha ng larawan. Ito ang kuha sa akin noong nasa CWC ako. Napakaganda talaga ng lugar na ito.